CHECK THIS OUT:

Search

Babae, nalaman na lamang na siya ay buntis noong manganganak na



Kung iisipin, mukhang imposible sa isang babae na hindi niya malaman na siya ay nagdadalang tao lalo pa at napakaraming senyales ng pagbubuntis.


Pero para sa new mom na si Pia Rapusas, 38, ni minsan ay hindi raw sumagi sa utak niya na siya ay buntis kung hindi pa siya dinala sa ospital at sinabihan ng  doktor na siya ay manganganak na.


Si Pia ay mayroong Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS), isang kondisyon na nakakaapekto sa buwanang dalaw at tsansang mabuntis ng isang babae kaya naman hindi niya inakala na siya ay mabibiyayaan pa ng supling.


Noong Mayo 8, kwento ng first-time mom at ng kaniyang asawang si Jonathan, nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan si Pia ngunit inakala niya na ito ay ordinaryong dysmenorrhea lamang. 


Ilang beses din daw itong nagsuka pero hindi sumagi sa kanilang isip ang pagbubuntis. Minabuti ni Pia na magpakonsulta  sa kaniyang Oby-gyne. Niresetahan siya nito ng gamot na kaniya namang agad ininom.  Bagama't natigil ang kaniyang pagsusuka, hindi pa rin naaalis ang pananakit ng kaniyang tiyan.


Dito na naisip ni Pia na baka siya ay buntis. Dali-dali siyang gumamit ng pregnancy test at dito na nga nila nakumpirma na sila ay magiging mga magulang na.


Ngunit dahil sa patindi nang patindi ang pananakit ng tiyan ni Pia, nagpadala na ito sa ospital. Nang tingnan siya ng doktor, napag-alamang manganganak na ito dahil nakakapa niya na umano ang ulo ng sanggol.


Sa huli, matagumpay namang nailabas ang bata sa pamamagitan ng caesarean section. Sa awa ng Diyos, malusog ito at walang kahit na anong problema sa kalusugan. 


“The doctors told us that the baby weighed 3.2 kilograms, was pinkish in color, had an APGAR score of 8.9, and was full term at 38 weeks,” sabi ni Jonathan.


Masayang-masaya ang mag-asawa dahil sa pitong taon nilang paghihintay, sa wakas ay nabiyayaan na rin sila ng inaasam nilang sanggol.


Source: Pep.ph


No comments:

Post a Comment