CHECK THIS OUT:

Search

Sanggol, ipinanganak noong 2.22.22, ganap na 2:22 am sa delivery room 2 ng isang ospital


Naging usap-usapan kamakailan lamang ang petsang 2.22.22 o February 22, 2022, dahil isa itong palindrome na ang ibig sabihin ay pagbalig-baligtarin man ang mga numero ay pareho pa rin ang kalalabasan.


Dahil bibihira lamang  itong mangyari, marami mga tao ang minarkahan ang petsang  ito upang gumawa ng isang espesyal na bagay na hindi nila malilimutan.


Ngunit sa dami-rami ng mga naganap noong araw na iyon, ang itinuturing ngayon ultimate palindrome ay pagkasilang ng isang sanggol sa North Carolina sa Amerika.


Ang baby girl kasi na si Judah Grace Spear ay ipinanganak noong February 22, 2022 (2/22/22) sa ganap na 2:22 ng madaling araw o 22:22 sa military time.


Bukod dito, nailuwal din siya sa delivery room 2 ng Alamance Regional Medical Center, North Carolina kaya naman maituturing siyang espesyal.


Para sa mga magulang ni Baby Judah, siya ay isang tunay na swerte sa kanilang pamilya dahil hindi nila sukat akalain na may pag-asa pa silang magka-anak matapos mapag-alamang may cancer ang babae noong 2014.


“Very excited, nervous… but mostly exhausted,” sabi ni Aberli Spears na 26 hours na nag-labor.


Dahil sa malaking biyaya natanggap ng mag-asawa noong 2.22.22, ito na raw ang masisilbing paalala sa kanila na hindi dapat sila mawalan ng pag-asa dahil, "In God's perfect timing. He never makes mistakes."


Source: PEP.ph



No comments:

Post a Comment