CHECK THIS OUT:

Search

Babaeng may anak sa iba't-ibang lalaki, sa wakas ay nakatagpo na rin ng tunay at responsableng lalaki


“Sabi ko noon, gusto ko marami ang anak ko. Pero hindi ko naman ginusto na iba-iba ang tatay nila."


Ito ang naging matapang na paglalahad ng 25-anyos na si Isabel Belen-Dizon, isang babae na ilang beses na nadapa at sinubok ng buhay bago nakatagpo ng pag-ibig na tapat at walang hanggan.


Sa edad na 16, taong 2009) ay maagang nagbuntis si Isabel sa kaniyang panganay na anak na si Jai. Hindi naging madali ang kaniyang pamumuhay pero sinikap niyang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral hanggang sa makapagtapos siya ng 2-year associate course sa computer technology. 


Nang pumanaw ang ina dahil sa suicide at matapos mag-uwi ng panibagong pamilya ng kaniyang ama, pakiramdam ni Isabel ay saling-pusa lamang siya sa kanilang pamamahay kaya naman pilit niyang hinahanap ang pagmamahal sa labas ng kanilang tahanan hanggang sa magkaroon siya ng panibagong nobyo sa casino na kaniyang pinagtatrabahuhan noon.


Nagsama sila ng kaniyang boyfriend noon at nagkaroon ng magkasunod na supling na sina Lance at Nigel. Gayunpaman, kalaunan ay naging mapait nag kanilang pagsasama hanggang sa nauwi sila sa paghihiwalayan.


Dahil kinailangan niyang buhayin ang 3 niyang mga anak, iniwan niya ang mga ito sa kani-kanilang tatay upang makapagtrabaho siya sa Laos.


Hindi naging madali ang pagtatrabaho niya sa abroad dahil bukod sa pagka-miss sa kaniyang mga anak ay inaalala niya pa ang kaniyang ama na napag-alamang may diabetes at cancer.


Sa paglipas ng panahon ay may bagong lalaki ang nagpatibok sa puso ni Isabel na ang pangalan ay Ralph. Ikinukwento niya ito sa kaniyang ama na pinagkukuhanan niya ng payo sa kaniyang buhay pag-ibig simula nang sila ay magka-ayos.


Noong una kasi ay tila pinipigilan ni Isabel ang nararamdaman niya kay Ralph dahil sa mga naging pagkakamali niya sa kaniyang nakaraan. Ngunit sa pag-eenganyo sa kaniya ng kaniya ama na maging tapat sa kaniyang nararamdaman, kalaunan ay bumigay na rin si Isabel hanggang sa nagkamabutihhan sila ng bago niyang napupusuan.


Bagama't nasa Pilipinas si Ralph noon, maayos ang naging takbo ng relasyon ng dalawa. Iyon lamang, biglang pumananw ang ama ni Isabel.


Dahil dito, napagdesisyunan niyang umuwi ng Pilipinas. Hindi na siya bumalik pa sa Laos dahil pakiramdam niya ay " “hindi ako naggo-grow do’n.” 


Naghanap na lamang siya ng trabaho sa Pinas. Taong 2018 nang mabuntis muli si Isabel ngunit sa pagkakataong ito, hindi na niya maituturing na isa na namang pagkakamali ang kaniyang nagawa dahil isang buwan lamang matapos niyang manganak noong January 2019, ay pinakasalan siya ni Ralph.


Ngayon, maayos na ang pamumuhay ni Isabel at ng kaniyang apat na anak sa tulong ng kaniyang mapagmahal at maarugang asawa na si Ralph.


Source: Smart Parenting


No comments:

Post a Comment