CHECK THIS OUT:

Search

Pinay nanny na pauwi ng Pinas, naiyak matapos habulin ng kaniyang inalagaang bata habang nasa airport


Naging emosyonal ang overseas Filipino worker na si Francine Jennifer Pascual  nang pauwi na siya ng Pilipinas dahil sa paghabol sa kaniyang ng anak ng kaniyang mga amo na inalagaan niya ng ilang taon.


Nagtatrabaho bilang isang domestic helper si Pascual sa Saudi Arabia. Naging yaya siya ng limang taon ng anak ng kaniyang mga employer.


Kamakailan lamang ay napagdesisyunan ng OFW na umuwi na ng Pilipinas upang makasama ang kaniyang mga pamilya. Gayunpaman, magkahalong lungkot at saya ang nadama ni Pascual.


Nang siya kasi ay nasa airport na ay hinabol siya ng kaniyang alaga. Iyak ito ng iyak at tila ba ayaw paalisin ang kaniyang yaya.


“Ito ‘yong pinakamasakit sa lahat e. ‘Yong halos ikaw nag-aruga at nagpalaki, naging anak mo sa loob ng limang taon tapos magkakahiwalay kayo pagkatapos ng ilang taon,” sabi ni Francine sa kaniyang Facebook post.


“‘Yang batang babae na umiiyak, halos paglabas niyan, ako na ang nag-aruga. Tumatabi sa pagtulog ko hanggang sa lumaki at nabuntis uli ang nanay nila,” dagdag pa niya.


Marami naman sa mg OFW at mga naging nanny din ang naka-relate sa ibinahaging kwento ni Pascual. Gaya niya, nasasaktan din daw sila kapag dumadating ang panahon na kailangan na nilang iwan ang mga alaga nilang itinuring na nilang mga anak.


No comments:

Post a Comment