Labing-isang magkakapatid ang nagulat matapos nilang silipin ang napakalaki at nakagandang lupa na ipinamana ng kanilang yumaong ina.
Ayon kay Noel Suque, isa sa mga magkakapatid, madalas banggitin noon ng kanilang inang si Nanay Leoning, dating tindera sa palengke, ang isang lupa mula sa Bicol na ipinamana raw ng kaniyang ina.
Gayunpaman, nakuhang pumanaw ni Nanay Leoning pero hindi niya naipakita sa kaniyang mga anak ang tinutukoy niyang lupa na nais niyang ipamana sa kanila.
Dahil dito, unti-unti ring nakalimutan ng 11 magkakapatid ang tungkol sa lupa. Pero noong nakaraang taon, matapos ang 17 years ay muling napag-usapan ng pamilya ang tungkol sa pamana ng kanilang ina.
Kwento ni Noel, noong nakipaglamay sila sa burol ng isa sa kanilang mga kaanak, isang tiyahin ang lumapit sa kanila at nakiusap na pasyalan ang lupa ni Nanay Leoning.
Dahil kasalukuyang bagsak noon ang negosyo ni Noel ay dali-dali naman niyang pinuntahan ang sinasabing lupa sa Barangay Kutmon, Bato, Camarines Sur kasama ang kaniyang kapatid na si Joey.
Doon ay nagulat sila nang matuklasan nilang ang pamanang lupa ng kanilang ina ay isa palang limang ektaryang lupa na mayroong nasasakupang burol at ilog. Ang ikinatuwa pa ng magkapatid ay malapit ito sa Bagacay Falls na 50 talampakan ang taas.
Dahil sa ganda ng lupain, naiisipan ni Noel na mag-alaga ng kambing sa gilid-gilid nito at gaiwng negosyo balang araw.
Lubos naman ang pasasalamat niya kay Nanay Leoning dahil sa pambihirang pamana niya sa kanilang magkakapatid. Emosyunal pa niyang sambit habang nakatingin sa ilog na kulay asul ang tubig, “Parang may yumakap sa akin na malamig. Sabi ko, ‘Siguro kasama ko ang nanay ko."
Source: Smart Parenting
No comments:
Post a Comment