CHECK THIS OUT:

Search

Kris Aquino sa mga nagbibigay ng regalo sa kaniyang 51st birthday: ‘Choose who really needs your financial support now’


Walang ibang hiling ang Queen of all Media na si Kris Aquino sa kaniyang kaarawan kung hindi panalangin para sa kaniya at sa mga taong importante sa kanila ng yumaong kapatid na si former Pres. Benigno “Noynoy” Aquino III.


Nagdiwang si Kris kahapon, February 14, ng kaniyang 51st birthday.


“My true birthday wish? Please pray for someone both Noy and I love so dearly. ‘Cause I want to protect the person’s privacy, ang hirap magbigay ng detalye,” sabi ni Kris sa kaniyang Instagram post.


“All my prayers now, hindi para sa’kin. I’m asking you to do the same na siya muna ang ipagdasal niyo. Please realize how much this matters to me,” dagdag niya. “Everyone praying for me, ipagdasal din siya.”


Bukod dito, sinabi rin ng aktres na bagama't nagpapasalamat siya sa mga regalo na kaniyang natatanggap, mas maigi raw na ilaan nalang ang pera ng mga taong nagreregalo sa kaniyang sa mga taong tunay na nangangailangan.


“Please don’t spend more money on me. Nakakahiya, and I feel sensitive to the needs of our fellow Filipinos. Alam ko how much food costs have gone up plus ang mahal ng flowers kasi nga Valentine season.”


“Please, unahin niyong regaluhan ang iba. Please choose who really needs your financial support now.”


Nagbigay din ng health update si Kris sa kaniyang mga supporters. Aniya, may nakaligtaan ang kaniyang mga doktor pagdating sa kaniyang medical history kung kaya kinailangan nilang balikan at alalahanin lahat ng kondisyong pangkalusugan na dumaan sa kanilang pamilya.


Gayunpaman, patuloy pa rin ang pagpapaggamot at pagpapalakas niya matapos bumagsak ng kaniyang katawan dahil sa kaniyang autoimmune disease.

No comments:

Post a Comment