CHECK THIS OUT:

Search

Pauleen Luna, ipinagdarasal na sana magkaroon ng kapatid ang anak na si Tali



Hindi makakaila na masayang-masaya ang TV host na si Pauleen Luna  sa bawat sandaling kasama niya ang anak nila ni Vic Sotto na si baby Tali.


Gayunpaman, ninanais pa rin ni Pauleen na magkaroon ng isa na namang supling para magkaroon ng panibagong kapatid ang kaniyang unica hija.


Sa isang Instagram post, nagbahagi ng kaniyang larawan ang aktres kasama si Tali na may caption na "Forever you and me (still praying for a baby sis/bro for Tali bachuchi tho!).”


Dahil dito, marami ang na-excite at pati mga celebrities ay nakipyesta sa comment section ng kaniyang post. Isa na rito ay si Camille Prats na nagsabing "praying for you and with you mars."


Si Tali ay apat na taong gulang na ngayon. Siya ang unang anak ni Pauleen at ikalima  naman ni Bossing


Matatandaan noong Pebrero ng nakaraang taon ay itinanggi ni Pauleen ang mga espekulasyon na siya ay buntis sa ikalawang anak nila ni Vic.


No comments:

Post a Comment