CHECK THIS OUT:

Search

Paboritong lollipop ng mga bata, may lamang turnilyo sa loob

Ikinabahala ng maraming magulang ang Facebook post ng isang netizen na nagbigay babala patungkol sa pagkaing binibili ng kanilang mga anak.


Sa post ni Raquel Suarez, makikita ang mga larawan ng isang lollipop na mayroong turnilyo sa loob.


Ayon kay Raquel, ito raw ay ang lollipop na kinakain ng kanyang anak. Mabuti na lamang at agad niya umano ito nakita dahil kung hindi baka ito ay nalunok na ng kaniyang anak.


"Sa lahat po ng mga mommies sna maging aware po tayo sa mga binibiling lollipop ng mga bunaks natin katulad po ng nabili ng anak q paano na lng kung hindi q nakita baka nalunok pa nya ito...Meron po sya turnilyo sa loob," kwento ng nabahalang ina.


Marami naman sa mga magulang ang nawindang sa kanilang nakita lalo pa at ang laki ng turnilyo na nakapaloob sa lollipop.


Anila, kung hindi ito nakita agad nakita ni Raquel ay malamang ay malagaw sa peligro ang buhay ng kaniyang anak dahil posibleng bumara ang turnilyo sa lalamunan ng bata at hindi makahinga.




No comments:

Post a Comment