CHECK THIS OUT:

Search

OFW na may cervical cancer todo kayod pa rin para sa pamilya


Kamangha-mangha ang dedikasyon na ipinapakita ng isang overseas Filipino worker mula sa Saudi Arabia dahil sa kabila ng kaniyang karamdaman ay patuloy siyang nagtatrabaho para sa kaniyang pamilya.


Si Shanne Fernandez ay napag-alamang may stage 3 cervical cancer at kasalukuyan siyang dumadaan sa napakamahal na gamutan.


Ayon kay Fernandez, gusto niya na sanang umuwi sa Pilipinas  upang makapiiling ang kaniyang pamilya habang siya ay nagpapagaling ngunit ayaw siyang payagan ng kaniyang  employer.


Hindi  rin daw siya nakatatanggap ng kahit na anong tulong  mula sa embahada ng Pilipinas.


Mabuti na lamang at nangako ang broadcast journalist na si Raffy Tulfo na tutulungan niya si Shanne na makabalik sa Pilipinas.


Ngunit si Shanne mismo ang tumanggi sa alok ni Tulfo dahil sasagutin daw ng mga kaniyang mga amo ang kaniyang pagpapagamot, bagay na napakahalaga para sa kaniyang kondisyon.


No comments:

Post a Comment