Napakabihira sa Pilipinas na makakita ng isang babaeng nagsisilang ng kambal o triplets pero hindi sa Alabat Island sa Quezon na kasalukuyang mayroong higit kumulang 100 pares ng mga kambal.
At nito lamang nakaraang Oktubre, ayon sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" isang pares na naman ang kambal ang naisilang.
Tanong tuloy ng marami "ano kayang hiwaga ang bumabalot sa isla?"
Sa pagtatanong ng KMJS, sinabi ng mga pamilyang mayroong mga kambal na walang mahika o sikretong itinatago ang kanilang isla. Sadyang nasa lahi lamang nila ito.
Bagama't mayroong mga naniniwala na ang pagkain ng kambal na saging ang dahilan sa pagkakaroon ng kambal o triplets na anak, walang ebidensiya ang makapagpapatunay dito.
"Wala talagang isang factor na magsasabi kung bakit nagkaka-twining. Ito ay kombinasyon na genetic factors tsaka environmental factors din. Posible rin na sa Alabat Island, may iba't ibang factors na never nating nakita sa iba," sabi ni Dr. Ebner Bon Maceda, clinical geneticist ng Institute of Human Genetics ng National Institutes of Health.
Source: GMA News
No comments:
Post a Comment