CHECK THIS OUT:

Search

Ninong, binuntis si kumare! Inaanak, tunay palang kadugo


Magkahalong sakit at galit ang nararamdaman ng isang lalaki matapos niyang malaman na ang asawa niya ay nabuntis pala ng kaniyang kumpare.


Sa programang "Wanted sa Radyo" ay dumulog si  John Barba Jr. upang kumpirmahin kung hindi niya nga ba tunay na anak ang batang ipinagbuntis ng kaniyang live-in partner na si Lennicis Videz.


Umamin daw kasi si Videz na hindi siya ang tunay na ama ng ipinagbubuntis nito kung hindi ang malapit niyang kaibigan na si Jayson Nicolas.


Buong akala ni Barba ay anak niya ang bata, sa katunayan nang maipanganak ito ay kinuha niya pang ninong si Nicolas.


Depensa naman ni Videz, inamin na niya ang kaniyang sikreto kay Barba noong siya ay nagbubuntis pa lamang ngunit inakala raw nito na nagbibiro lamang siya.


“Sinabi ko naman po sa kanya noon pa, kaso akala niya biro lang,” sabi ni Videz.


Sa follow-up episode ni Raffy Tulfo, nakumpirma sa pamamagitan ng DNA test na anak nga ni Nicolas ang ipinagbuntis ni Videz


Gayunpaman, handa naman daw kupkupin ni Barba ang bata lalo pa ngayon na nagkabalikan na sila ni Videz. 


No comments:

Post a Comment