CHECK THIS OUT:

Search

Judy Ann Santos kung bakit hindi nangongolekta ng luxury bags: 'Nanghihinayang ako sa pera'

Hindi tulad ng ibang sikat na personalidad, hindi nakahiligan ng aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo ang pangongolekto ng mga branded luxury bags.


Ayon sa 43 year-old-old actress, chef, at mom, mahilig naman daw siya sa mga mamahalin at branded na bag ngunit hindi niya raw mabili ito dahil nanghihinayang siya sa laki ng pera na kailangan niyang gastusin para rito.


"Mahilig ako, pero hindi ko kayang bumili. I mean, hindi kaya ng puso ko," sabi ni Juday sa interview niya noon sa Pep.ph. "Nanghihinayang ako sa pera. Kasi bag lang siya. Puwede naman ako sa bayong, o katsa bag, o sa eco bag. 


"Kaya ko bumili ng branded na bag basta installment...Iba-iba lang talaga tayo. Pero sa akin...bibili nalang ako ng pagkain, or ipaga-gas ko nalang ito sa sasakyan." 


Kwento pa ni Juday, mayroon lamang siyang dalawang bag na binili sa pagkamahal-mahal na halaga: iisang brown carryall bag mula sa Hermès at isang black classic flap bag mula sa Chanel.


Bagama't paminsan-minsan ay hinahayaan niya raw ang kaniyang sarilii na bumili ng magaganda at mamahaling bagay, pinag-iisipan niya pa rin ito ng mabuti. Ang gusto kasi ng aktres ay maipamana niya rin ang mga binibili niya sa kaniyang mga anak.



1 comment:

  1. wow! tama ka mam judy ann,loke now may pandemic atleast hitap man lahat,kahit papano may pera kayong na keep para sa family mo,anggaling nyo nman,ganon din ako kasi,kaya i feel you.gusto kong bumili ng expensive na gamit,pero nanghihinayang akp sa pera,eh de nmang gumamit ng masyadong mahal tlga.i salute you mam judy ann God Bless po sa inyo.keepsafe always with your family

    ReplyDelete