CHECK THIS OUT:

Search

Basurera noon, isa ng matagumpay na negosyante ngayon


Mula sa mabaho at nabubulok na mga basura ay nakabangon ang isang Pilipina sa pamamagitan ng kaniyang pagtitiyaga at wais na diskarte sa buhay.


Bata pa lamang si Joy Binuya ay mulat na siya sa kahirapan. Sa katunayan, nasubukan niyang maging basurera o mangangalakal para lang kumita ng pera at makatulong sa kaniyang ina.


Maaga raw kasing siyang naulila sa ama at noong panahon na pumanaw ito ay buntis pa ang kaniyang ina kaya napilitan siyang magbanat ng buto sa kabila ng murang edad.


“I was 5 years old when my father died from heart attack… wala kahit pisong naiwan.”


“Yung Nanay ko naman, walang trabaho that time and buntis pa sa bunso namin.”


Naging mahirap man ang kanilang buhay, sinikap niyang makapagtapos ng pag-aaral. Kung ano-anong trabaho ang kaniyang sinubukan masuportahan lamang ang kaniyang pamilya at ang kaniyang pag-aaral.


Bukod sa pamamasura ay nasubukan niyang maging sales lady sa isang mall at tagabenta ng mga beauty products.


Sa awa ng Diyos ay nakatapos si Joy sa kolehiyo bilang Cum Laude. Ipinagpatuloy niya ang pagbebenta ng mga beauty product hanggang siya tuluyan ng maging supplier.


Ngayong 30 anyos na si Joy, maayos na ang kanilang pamumuhay. Mayroon na silang bahay na yari sa semento at mayroong ikalawang palapag. 


Ngayong nakaangat-angat sila sa buhay, hindi raw ikinahihiya ang pagiging basura ni Joy dahil ito raw ang nagbigay determinasyon sa kaniya upang magsumikap at maging wais sa buhay.

No comments:

Post a Comment