CHECK THIS OUT:

Search

Netizens, naluha sa kaawa-awang sitwasyon ng isang matanda


Hindi napigilan ng mga netizen na makaramdam ng lungkot at awa sa isang matandang babae dahil sa kalunos-lunos nitong sitwasyon sa tabi ng kalsada.


Sa post ng Facebook page na Heaven Elements, ibinahagi ang isang larawan ng matandang babae na walang saplot at halos buto't balata.


Ayon sa mismong uploader, nadaanan niya lamang ang matanda. Dahil sa awa ay inabutan niya ito ng pera. Naluha pa raw umano ito dahil sa kalagayan ng matanda pero mas lalo itong naiyak nang bigla itong nagpasalamat sa kaniya.


"Habang naglalakad ako kahapon, biglang napatigil ang mundo ko. Nang makita ko ang sitwasyong kinalalagyan ng matandang nakahiga sa malamig na semento. Dahil sa awå na nadarama ko, napaluha ako. Umupo ako sa tabi niya, nilagyan ko ng 100 pesos yung latang nasa harap niya. Mas lalo pang bumuhos yung luha ko ng sabihin nyang "Anak, salamat. Kaawaan ka ng diyos." Wala akong masabi. Tulo nalang nang tulo yung luha ko."


"Tapos maya-maya, tinanong ko sya, 'Lola, kung bibigyan kita ng isang pagkakataong tuparin yung hiling mo, anong hihilingin mo?' Tumingin sa akin yung matanda, at bigla syang umiyak.. Sabay sabi, 'Gusto ko ng PAMILYA.' Napayuko ako sa sobrang lungkot. Umiyak... Niyakap ko yung matanda. Sabi niya, 'Anak, baka madumihan ka.' Hindi ako umimik at niyakap ko sya ng mahigpit."


Dahil sa kwentong ito ng uploader, marami sa mga netizen ang nalungkot at nakaalala sa kanilang mga magulang. Hiling nila na sana ay balang araw ay muling kupkupin si lola ng kaniyang mga pamilya.


Marami rin ang nagalit sa mga anak ng matanda dahil sa kanilang pagpapabaya sa taong minsang umaruga sa kanila.


No comments:

Post a Comment