CHECK THIS OUT:

Search

'This is me guys': Jake Zyrus, proud na ibinahagi ang kaniyang topless photo


Limang taon pagkatapos ng pinagdaanang breast surgery, sa wakas ay nagkaroon na rin ng lakas ng loob ang transgender singer na si Jake Zyrus na ipakita sa publiko ang resulta ng operasyon.


Noon pang March 29, 2017 pa nang sumailalim sa breast surgery si Jake ngunit nitong Sabado (February 19) niya lamang ipinakita  ang naging malaking pagbabago sa kaniyangkatawan.


“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba 'to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao," caption ni Jake sa kaniyang Instagram post.


"Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan,”


Patuloy niya, “Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito.


Si Jake ay dating kilala bilang si Charice Pempengco. Ang breast removal surgery na pinagdaanan niya ay isa sa mga pinakamahalagang yugto sa kaniyang buhay dahil para sa kaniyang ito ay ang pagsilang ng kaniyang bagong katauhan.

No comments:

Post a Comment