CHECK THIS OUT:

Search

Batang nanahimik sa sulod, kumakain na pala ng patuka ng manok


Ang mga bata ay sadyang malilikot at makukulit kaya naman kapag sila ay nanahimik talagang dapat ka ng mag-alala at kabahan dahil paniguradong mayroon na silang pinagkakaabahalang mga bagay na talaga namang iyong ikawiwindang. 


Tulad na lamang ng isang batang ito na tahimik na nagmamasid sa tapat ng bintana. Iyon pala, nagpapapak na ito ng patuka ng manok.


Ayon sa tagapag-alaga ng bata, napansin niya na lamang ang paslit na may dinudukot sa kaniyang bulsa at isinusubo sa kaniyang bibig. Dahil hindi niya alam kung ano ba ang kinakain ng bata ay minabuti niya ng silipin ang bulsa ng salawal nito. 


Laking gulat ng tagapag-alaga dahil hindi candy o kung anong pagkain ang nilalantakan ng batang babae kung hindi patuka o feeds na ipinapakain sa manok.


Ayon sa tiyahin ng bata na si Gen Polinar, parehong nagtatrabaho ang mga magulang ng kaniyang pamangkin kaya naiwan ito sa kaniyang poder.


Mayroon daw silang tindahan ng feeds at doon marahil galing ng bata ang patuka na inilagay niya sa kaniyang bulsa. Paliwanag ni Polinar, hindi rin nila malaman kung paano nakadampot ng feeds ang bata. Maging sila ay nagulat nang makita nila itong ngumunguya ng patuka.


Dahil maraming netizens ang nagsasabi na pinabayaan ang bata, iginiit ni Polinar na hindi nila ginutom ang kaniyang pamangkin. Sa katunayan, kumpleto ito sa pagkain, gatas, at bitamina. Katatapos nga lang nitong magmeryenda nang makita nila itong kumakain ng feeds.


"Hindi po namin pinabayaan yong bata, Hindi rin nami yan ginutom.. Marami po siya stock na pag kain at gatas, mayron po din syang vitamins.."


"Sa nag sabi po na mas inuna Pa ang alagang manok kaysa bata hindi po totoo yan kc wala naman po kaming alagang na pang sabong na manok, at that time po nag trabaho po yong mama at papa ng bata."


Pakiusap ni Polinar, sana naman ay huwag maging mapanghusga ang publiko sa mga magulang ng bata at maging sa kanilang pamilya lalo pa at hindi naman nila alam ang buong detalye sa nangyari.


No comments:

Post a Comment