CHECK THIS OUT:

Search

Netizens, hanga sa anak na unang kinarga ang ama matapos sumiklab ng sunog


Maraming netizens ang naaantig ngayon sa larawan ng isang anak na bitbitbit ang kaniyang matandang ama matapos sumiklab ng sunog sa kanilang lugar.


Sa litratong umani ng libo-libong reaction at shares online, makikita ang isang lalaki na buhat-buhat ang kaniyang ama na tila ba wala na kakayanang lumakad.


Marami sa mga tao ang nasiyahan sa larawan dahil bakas na bakas ang pagmamahal ng anak sa kaniyang magulang bagama't wala pang eksaktong pagkakakilanlan ang mga nasa larawan.


Hiling ng mga magulang, sana sa pagtanda nila, ay bigyan din sila ng importansya ng kanilang mga anak nang higit pa sa materyal na bagay at lalong-lalo na sa oras ng kagipitan.


Sambit din ng ilan, ang larawan ang patunay na hindi lahat ng mga kabataan sa panahon ngayon ay tanging sarili lamang ang iniisip. Marami pa rin ang may puso at may lubos na pagmamahal sa mga taong minsang nagsakripisyo at umaruga sa kanila.

No comments:

Post a Comment