CHECK THIS OUT:

Search

Grab rider, sinigawan at sinuntok ng customer dahil lang sa wala itong panukli



Maraming netizens ang nanggagalaiti sa isang lalaking customer na nanigaw at nanuntok ng isang delivery rider dahil lang sa wala itong dalang panukli.


Sa video na agad na nag-viral kamakailan, makikita ang isang nakaitim na lalaki na galit-galit sa isang Grab delivery rider dahil wala itong panukli sa kaniyang P1,000.


Sinisigawan niya ito, sinusuntok, at kinakabig sa dibdib habang kalmado namang nakikipag-usap ang kawawang rider.


Pilit na pinapakalma ng kaniyang misis ang galit na lalaki ngunit ayaw pa rin nitong magpa-awat.


Umabot sa 3.8 million views ang original video na ini-upload sa social media. Marami ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at galit sa pobreng customer.


Ayon naman sa kompanya ng Grab, hindi nila hahayaan na magpatuloy ang pananakit sa kanilang mga rider ng mga abusadong customer. Sisiguraduhin daw nila na magpapataw sila ng karampatang aksyon pagkatapos nilang magsagawa ng imbestigasyon sa parehong panig.


“Thank you for bringing this to our attention. Rest assured that this consumer behavior is not tolerated on our platform and investigation is already underway.”


“Consumer behavior is not tolerated on our platform. Our teams are already looking into it and are coordinating with the parties involved,” sagot ng Grab sa isang komento ng netizen. 


No comments:

Post a Comment