CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki, nanugod ng kapitbahay dahil hindi ipina-connect sa wifi



Viral ngayon ang isang lalaki matapos kumalat ang kaniyang video sa social media na kung saan makikita siyang nang-aaway ng kapitbahay dahil umano hindi siya ipina-connect sa wifi.


Sa 18 minutong video, mapapansin ang lalaki na walang pang itaas na sumisigaw at nagmumura sa galit habang nakikipag-usap sa isang babae.


Ayon sa lalaki, hindi naman daw sana siya magagalit at magiging bastos kung ipina-connect siya at ang kaniyang mga anak sa wifi lalo pa at kailangan na kailangan nila ang internet upang masagutan ang kanilang mga learning module.


Paliwanag naman ng babae na kapatid ng may-ari ng wifi, ang utol niya mismo ang nagsabing huwag munang ipagamit sa iba ang kanilang wifi dahil may tinatapos pa siyang online training.


Mababa lang daw kasi ang mbps ng kanilang wifi kaya mabilis itong bumagal kapag marami ang gumagamit. Bilang resolusyon, nakiusap ang may-ari na huwag na muna silang i-connect.


Gayunpaman, kahit anong paliwanag ng babae ay hindi kumakalma ang lalaki. Sinasabi pa nito na walang pakikisama ang pamilyang may-ari ng wifi sa kanila na matagal ng nakatira sa kanilang lugar.

No comments:

Post a Comment