CHECK THIS OUT:

Search

Last wish: Girlfriend, nagsuot ng wedding gown sa buriol ng kaniyang boyfriend


Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay tinupad ng nagmamahal na si Alma Santos ang kahilingan ng kaniyang boyfriend na si Francis Valenton bago ito pumanaw.


Sa huling araw ng lamay ay nagsuot si Alma ng wedding gown na isusuot niya pa naman sana sa pinaplanong kasal ni Francis.


Noong Enero 12, 2022 nang mapag-usapan ng magnobyo at nobya ang kanilang kasal ngunit pagkatapos ng tatlong araw (Enero 15) ay bigla namang namatay si Francis.


Kaya naman, si Alma, upang hindi masayang ang pinapangarap na kasal ng nobyo, ay nagsuot ng wedding gown sa tulong ng kaniya dapat sanang sister-in-law na si Paula.


“Ang dami mo pang plano Francis. Last December 25, nag-inquire ka pala ng prenup," madamdaming pahayag ni Paula sa kaniyang Facebook post.


“3 days before you passed away, you started talking about marriage with Alma.”


“Na-prepare ko na yung mga gagamitin niyo sana sa kasal pero bigla ka na lang nang-iwan."


Sa panayan ni Alma sa "24 Oras" naibahagi niya na lingid sa kaniyang kaalaman ay naihanda na pala ni Francis ang lahat ng kanilang kakailanganin sa kasal sa tulong ng ate nito.


Bagama't labis na lungkot ang nararamdaman ng naulilang girlfriend masaya naman daw ito dahil kahit papaano ay natupad niya ang hiling ng kaniyang nobyo.


Source: PEP.ph

No comments:

Post a Comment