CHECK THIS OUT:

Search

Babae nagpapako sa ulo para magkaroon ng anak na lalaki

 


Isang babae mula sa Pakistan ang nagpapukpok ng pako sa ulo sa isang albularyo sa pag-asang siya ay magkakaroon ng lalaking anak, ayon sa isang doktor noong Miyerkules (February 9).


Ang gawain daw na ito ay isang ritwal na talamak sa kanilang bansa. Ito ay hango sa Sufu lore na patuloy na ginagawa ng mga faith healer sa kabila ng pagkontra ng ilang sektor sa Islam.



Base sa ulat, pumunta ang babae sa ospital sa siyudad ng Peshawar matapos niyang subukang alisin ang pako sa kaniyang ulo gamit ang pliers.


Nang siya ay i-x-ray nakita na nakabaon sa ulo ng babae ang 5 sentimetrong pako. Mabuti na lamang at hindi na ito umabot pa sa kaniyang utak.


Noong una ay pinipilit ng babae na siya mismo ang naglagay ng pako sa kaniyang ulo ngunit kalaunan ay inamin niya rin na isang albularyo ang may gawa nito.


Sa ngayon, pinaghahanap na ng pulisya ang faith healer.


Sa South Asia, marami ang gustong magkaroon ng anak na lalaki dahil pinaniniwalaan ang mga ito na nagdadala sa swerte sa pera.

No comments:

Post a Comment