CHECK THIS OUT:

Search

Ice Seguerra sa kaniyang 17 taong pakikipaglaban sa depresyon: Life is still worth the fight


Maging matatag at matapang. Ito ang naging paalala ng singer-actor na si Ice Seguerra sa mga taong gaya niya ay patuloy na dumaranas ng mental health problems tulad ng anxiety at depression.


Sa pamamagitan ng social media, naibahagi ng proud LGBTQIA+ member na siya ay 17 taon ng nakikipaglaban sa depresyon.


Aniya, bagama't mahirap ay natutunan niya na ring tanggapin na may mga araw, buwan, at taon talaga sa kaniyang buhay na pakiramdam niya ay hindi siya okay.


“Living with depression for almost 17 years now, I’ve come to accept that this will be my life from here on. 


“With acceptance comes embracing the fact there will be days, weeks, or months that I won’t be okay, without really understanding why. 


“But I also know that it will pass. That one day, I can be myself again. Just feeling and enjoying life,” pahayag ni Ice.



Dagdag niya pa “It is a roller-coaster ride. Sa totoo lang, minsan, nakakapagod. Sometimes, bad days will outnumber my good days but despite that, the joy of one good day is worth all the struggle.” 


Kaya naman payo niya sa mga taong dumadaan sa mga sitwasyong gaya ng kaniya, huwag silang matakot na humingi ng propesyonal na tulong at magkaroon ng bukas na komunikasyon sa kanilang pamilya.


Dahil ano mang pahirap ang ibinabato sa kanila ng mundo, aniya, “life is still worth the fight.”


No comments:

Post a Comment