CHECK THIS OUT:

Search

Arnell Ignacio, nakipaghiwalay agad sa misis 5 araw pagkatapos ikasal

Ibinunyag ng Pinoy comedian na si Arnell Ignacio na hindi  tumagal ang buhay may asawa niya kasama ang dating misis na si Frannie.


Sa panayam ni Aster Amoyo kay Arnell, limang araw matapos ang kanilang kasal ay nakipagkalas din siya kay Frannie.


“5 days later — it’s not 5 months — a few days later (kami nagkahiwalay),” sabi ni Arnell.


Kwento ng aktor, siya ang unang nagkagusto kay Frannie noong una silang magkita kahit pa alam niyang ito ay may asawa na. 


Nang magkamabutihan sila, pinabilis niya ang pakikipaghiwalay ni Frannie  sa dati nitong mister dahil mahal na mahal niya raw ito.


Tumagal ng ilang taon ang kanilang relasyon ngunit nang maikasal sila, limang araw lang ang nakalilipis ay bigla na lamang sila nagkahiwalay.


Pag-amin ni Arnel, siya naman ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay ni Frannie.


“Kasi hindi ko rin masyado maintindihan, mainit ulo ko, and I felt na hindi ko siya kakampi,” lahad ni Arnell.


“I don’t want to go into details, pero malaki ang kasalanan ko,” aniya pa.

No comments:

Post a Comment