CHECK THIS OUT:

Search

Anak ng magsasaka, nakakuha ng full scholarship sa US dahil sa angking talino

Isa na siguro sa pinakamagandang regalo sa magsasakang si Tatay Alner Alogon ay ang pagkakaroon ng anak na sadyang napakatalino.


Sa katunayan, dahil sa talas ng pag-iisip ng anak niyang si Aldrean Paul, nakatanggap pa ito ng full scholarship mula sa US Liberal Arts School Wesleyan University sa Amerika.


Ayon kay Aldrean, hindi niya lubos akalain na makapapasok siya sa naturang unibersidad dahil sa dami ng mga matatalinong estudyante na nagpasa rin ng college application dito. 


Nang malaman niya raw ang balita, una niya itong sinabi sa kaniyang ama na labis din ang pagkagulat at pagsasaya.


“Thankful po ako, very joyful kasi it was all-expenses paid. Wala nang babayaran yung family ko. World class education na nga tapos libre pa, win-win talaga,” sabi ni Aldrean.


Nagsisikap daw talaga si Aldrean sa kaniyang pag-aaral dahil gusto niyang bigyan ng karangalan ang kaniyang pamilya, lalo na ang kaniyang ina na pumanaw noong 2015.


At sa oportunidad na naibigay sa kaniya, sisiguraduhin niya raw na walang masasayang dahil mas lalo pa siyang magpupursigi nang sa gayon kapag nakabalik siya sa Pilipinas ay hindi lamang pamilya niya ang kaniyang matutulungan kung hindi pati ang ibang mga tao.


1 comment:

  1. How To Play With Bitcoin Casinos Online - FBCasino
    The best 바카라사이트 place to play crypto is with 온카지노 a safe Bitcoin casino. We หาเงินออนไลน์ review many of the most popular Bitcoin casinos, including their live dealer games.

    ReplyDelete