CHECK THIS OUT:

Search

Pauleen Luna, nagbanta na kakasuhan ang netizen na tumawag sa anak niyang 'pangit'



Dahil anak na niya ang inaalipusta, hindi napigilan ng aktres at TV host na si Pauleen Luna Sotto ang pumatol sa isang netizen na tumawag sa anak nila ni Vic Sotto na "pangit."


Nagsimula ang lahat nang i-share ng basher na si Patrich Walter L. Harris ang mga larawan  ng anak ni Pauleen na si Talitha o Tali na may caption na "pangit na bata."


KAhit maraming netizens ang umalma at nagalit sa kaniyang post, nagpatuloy pa rin si Harris na maglabas ng masasakit na salita tungkol sa bata na apat na taong gulang lamang.


“Kahit anong sabihin niyo wala akong pake basta pangit ung bata tapos. Kung naapektuhan kayo kasi pangit anak niyo diko na kasalanan yun wag kayong pakialamero jarn okay? Wag din kayo tumawa sa post ko tapos biglang nag cocomment kdhdkskd jeez,” matapang na sabi nito.


Nakarating kay Pauleen ang panghihiyang ginagawa ng basher sa kaniyang anak at minabuting padalhan ito ng mensahe.


Base sa mga screenshot na pinost mismo ni Harris, binalaan siya ni Pauleen na maaari siyang kasuhan nito dahil sa pambu-bully sa isang menor de edad pero hindi niya paabutin pa sa korte ang pangyayari kung hihingi ng public apology ang basher.


Noong una ay nagmamatigas si Harris na humingi ng tawad at sinabi pang "Mas okay pa makulong kesa mag public apology."


Pero kalaunan ay nag-sorry din ito kay Pauleen at Tali maging sa mga netizens na nasaktan sa kaniyang maaanghang na posts.


Payo ni Pauleen, "please think before you click next time. And always remember, was  mandadamay ng inosenteng bata."


No comments:

Post a Comment