CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki, nakapagpatayo ng bahay sa halagang P10k

Mukha mang imposible kung iisipan pero isang lalaki mula sa Agoncillo, Batangas ang nakapagpatayo ng kaniyang sariling tahanan sa halagang P10,000.


Naipagawa ang bahay dahil sa pagiging madiskarte ni Jeypee Gervacui, 25, na nakapagtapos ng vocational course at nagtatrabaho bilang masahista at electrician.


Ayon kay Jeypee, kasama sa napinsala ang kanilang dating tahanan nang pumutok ang bulkang Taal noong 2020.


Malaking dagok ito para sa kaniya lalo pa at mayroon siyang pamilya na nangangailangan ng maayos na tahanan.


Dahil dito nagsikap siya at ang kaniyang partner na makaipon upang muli nilang maipatayo ang kanilang bahay.


Kwento ni Jeypee, nang pumutok ang bulkan, nakakita sila ng pagkakataon upang kumita dahil maraming isda noon ang nagsidatingan sa lawa ng taal.


"Marami pong fishpond dito. Nang pumutok po ang bulkan, bale po natapon yung mga isda sa mga fishpond. Kumawala sila sa lawa.”


"Dahil nasa lawa na, puwede nang hulihin ng kahit sino ang mga isda."


"Tapos ang ginawa po namin ng partner ko, nanghuli po kami ng tilapia."


Ibinenta nila ang mga nahuling isda upang kumita. Nang makapag-ipon ng kaunti,  naisipan naman ni Jeypee na magtayo ng sari-sari store.


“Sa halagang PHP5,000, bumili po kami ng mga panindang kaunti.


"Hanggang sa lumago po nang lumago."


Sa kinikita ng kanilang munting tindahan nakakuha ng pampagawa ng bahay si Jeypee. Upang mas lalong makatipid, kinuha niya ang ibang mga materyales na maaari pang gamitin sa kanilang lumang tahanan.


Hindi rin siya nagbayad ng mga trabahador dahil tinulungan siya ng kaniyang mga kaibigan na natulungan niya na rin ngayon.


Bagama't komportable na ang pamilya ni Jeypee sa bago nilang tahanan, nangangamba sila na baka muling sumabog ang bulkan. Sa ngayon, nais niya ulit makaipon upang makabili ng sariling lote dahil nakitirik lamang sila ng bahay sa lupa ng kanilang kaanak.


Source: Pep.ph

No comments:

Post a Comment