CHECK THIS OUT:

Search

Paolo Ballesteros proud na proud sa 1st honor niyang unica hija

Proud parent ang peg ng komedyanteng si Paolo Ballesteros sa kaniyang nag-iisang anak na hindi lamang ubod ng ganda kung hindi ubod din ng talino.


Sa kaniyang Instagram post, ay ipinakita ni Paolo ang mataas na grades na nakuha ng kaniyang anak na si Keira Claire Ballesteros sa kaniyang pag-aaral.


Walang mapagsidlan ang tuwa ng "Eat Bulaga" host dahil nangunguna rin sa kanilang klase si Keira.


"GOOD MORNENG! Flex ko lang yung 1st honor kong junakiz," sabi ni Paolo sa kaniyang caption.


"I love you anak berigood," dagdag pa nito.


Naki-celebrate sa comment section ang ang iba pang mga sikat na personalidad gaya nina Ryan Agoncillo, Pokwang, Danica Pingris, at Ciara Sotto na kapwa nagpa-abot ng congratulation message sa mag-ama.


Si keira ay anak ni Paolo sa kaniyang dating nobya na si Katrina Nevada.

No comments:

Post a Comment