CHECK THIS OUT:

Search

80-anyos na lolo, kulong matapos magnakaw umano ng 10 kilong mangga


Inaresto ang isang 80-anyos na matanda mula sa Asingan, Pangasinan matapos umano nitong magnakaw ng 10 kilo ng mangga noong Enero 13, 2022.


Ayon sa Public Information Office ng Asingan, ang pagkakaaresto ni Lolo Narding Floro ay base sa warrant of arrest na inisyu ng 7th Municipal Circuit Trial Courts (MCTC) ng Asingan-San Manuel noong Disyembre 20, 2021.


Pagpapaliwanag ng matanda, hindi niya ninakaw ang mga pinitas niyang mangga dahil siya naman daw ang nagtanim sa puno nito.


“Pinapitas ko ’yung isang puno ng manga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman ’yun,” sabi ni Lolo Narding.


Sinubukan daw ni Lolo Narding na makipagkasundo sa nagpaaresto sa kaniya at nakiusap na babayaran niya na lamang ang mga mangga ngunit nagmatigas ang mga ito  at sinabing magbayad na lamang siya ng P6,000 upang makapagpiyansa.


Mabuti na lamang at nagmagandang loob ang mga pulisya ng Asingan pulis upang mapalaya ang matanda. Nag-ambagan ang mga ito hanggang sa makaipon sila ng pang-pyansa ni Lolo Narding.


Source: Philippine Star


No comments:

Post a Comment