CHECK THIS OUT:

Search

'I'm so proud': Ivana Alawi bumili ng P12 million-diamond ring para sa sarili


"Bakit ako mag-aantay sa lalaki, e, di, bibilihan ko na lang ang sarili ko, di ba?"


Ito ang pabirong sabi ng vlogger at modelong si Ivana Alawi ng ibahagi niya sa publiko na niregaluhan niya ang kaniyang sarili ng singsing na talaga nga namang pagkamahal-mahal.


Ang singsing na ipinakita ni Ivana at may malaking diamond sa gitna at may mga diyamente pang nakapaligid sa shank o band nito. Ito raw ay nagkakahalaga ng P12 million  at ang perang ipinambili niya rito ay galing sa kaniyang personal na ipon.


Ayon sa sa 24-year-old social media star, matagal na niyang pangarap ang ganoong klasing singsing kaya naman "dream come true" raw na nabili niya ito.


Binili niya rin ang singsing bilang tanda ng kaniyang pagmamahal sa sarili at simbolo ng kaniyang pagsusumikap sa buhay.


"It's just a symbol to love myself. Parang gift ko talaga siya sa sarili ko...I'm so proud kasi it's a reminder to work hard for your dreams, kasi dati pangarap ko lang talaga 'to eh tapos diba naging sakin na siya. It's just a dream come true.


Nabili ni Ivana ang singsing sa Jewelry designer na si Drake Dustin Ibay. Hindi raw talaga for sale ang singsing na ito pero dahil nagustuhan ito ni Ivana, pumayag ang designer na ipagbili ito.

No comments:

Post a Comment