CHECK THIS OUT:

Search

Kris Aquino, baka nakulam daw; hinikayat na magpatingin na sa albularyo o faith healer

Hinihikayat ng mga netizens si Kris Aquino na magpatingin na ito sa albularyo dahil sa nararamdaman nito, baka diumano ay kinukulam daw siya.


Baka raw ang nararanasan ngayon ni Kris ay epekto ng kulam. Wala raw kasing mahanap na lunas o dahilan ng pagkakasakit nito, kaya malamang sa malamang ay baka nga raw nakulam o nabarang ito.


Hindi naman daw natin kinukuwestyon ang kapasidad ng mga doktor, pero kung ganyang patuloy na bumababa ang kaniyang immune system, baka puwede naman nating bigyan ng konsiderasyon ang mga faith healer.


Maging ang mga kritiko ni Kris na laging nakabantay umano sa mga kapuna-puna niyang akto ay hindi napigilang maglabas ng pagkaawa sa kaniya. 


Napaabot naman kay Kris ang rekomendasyon ng mga netizen ngunit mariin na hindi pa ito napapansin ni Kris at patuloy ito sa pagtitiwala sa mga dalubhasa.


Sa ngayon ay sa mga medical doctors na muna siya magtitiwala ang Queen of all Media. 


Nagpapasalamat naman umano si Kris sa lahat ng mga nagmamalasakit sa kaniya.

No comments:

Post a Comment