CHECK THIS OUT:

Search

Sto. Niño, bigla umanong sumayaw habang hawak ng deboto



Viral ngayon ang isang video sa social media  dahil nakunan umano nito ang pagsayaw ng imahe ng Sto. Niño habang hawak-hawak ng isang deboto.


Ang video ay kuha ng isang netizen mula sa Barangay Rizal, Can Carlos City.


Bigla na lamang umano sumabay sa saliw ng tugtog ng mga tambol at iba pang instrumento ang Santo.


Halos napatulala ang lahat habang wala namang magawa ang debotong may hawak sa imahe kung hindi sumabay sa pagsayaw umano ng Sto. Niño.


Ayon sa mga matagal ng deboto, ang pagsayaw ng Sto. Niño  ay palatandaan na ito ay labis na natutuwa sa pagdiriwang ng mga tao sa kaniyang pista.


Samantala, bagama't marami ang naniniwala rito, may mga tao pa ring na duda sa iginigiit nilang pagsayaw ng isang imahe na wala namang buhay.


Panoorin ang video rito:


No comments:

Post a Comment