CHECK THIS OUT:

Search

Ginang, pinagpapalo ng may-ari ng punerarya matapos 'di makabayad sa funeral services ng yumaong mister

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang biyuda mula sa  Santa, Ilocos Sur matapos umano siyang pagpapaluin ng may-ari ng punerarya dahil sa hindi siya makabayad sa funeral services na ginawa sa kaniyang yumaong asawa.


Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" noong Martes (Enero 4), sinabing nagtamo ng mga sugat at pasa sa braso, binti, at likod ang biktima na itinago sa pangalang "Aida," 53-anyos.


Nangyari ang pamamalo nang magtungo ang suspek kasama ang kaniyang dalawang tauhan sa bakuran ng biyuda.


Ayon sa may-ari ng punerarya, tatlong beses niya ng ipina-baranggay si Aida upang singilin ito sa kaniyag utang ngunit  hindi pa rin ito nakapagbabayad.


Napag-alaman na noon pa palang Mayo 2021 pumanaw ang mister ni Aida dahil sa sakit.


Ayon sa pulisya, nakapagsampa na ng reklamo ang biktima at naghihintay na lamang ng warrant of arrest laban sa suspek.


Pahayag naman ng may-ari ng punerarya, abogado na lamang niya ang sasagot sa reklamong ihahain sa kaniya ng biktima.


Source: GMA News

No comments:

Post a Comment