CHECK THIS OUT:

Search

Estudyanteng bumabagsak sa kolehiyo, nakapasa sa 2 licensure exam



Nag-uumapaw ang tuwa ng isang ama at ina mula sa Candon City, Ilocos Sur  dahil ang anak nilang bumabagsak sa ilang subjects sa kolehiyo noon ay nakapasa sa hindi lang isa, kundi dalawang licensure examination.


Sa programang Balitang Amianan ng GMA Regional TV noong January 7, 2022 ay naitampok ang achievement ni Prince Charles Agtarap Pascua nitong pandemya.


Si Charles kasi ay pumasa sa Registered Electrical Engineer Licensure exam at Registered Master Electrician Exam na itinake niya noong September 5-6, 2021 at September 7, 2021.


Pag-amin ni Charles, hindi biro ang kanyang kinuhang kurso. Sa katunayan mayroon siyang mga failed at incomplete subject noong siya ay nag-aaral pa lamang.


Mabuti na lamang at naging malakas ang impluwensiya sa kaniya ng kaniyang ama na dating isang electric lineman.


Aniya, ang kaniyang ama ang nagtuturo sa kaniya pagdating sa basic tools at wiring services. Bata pa lamang daw siya ng kakitaan siya ng potensiyal rito.


Si Charles ang kauna-unahang licensed engineer sa kanilang pamilya kaya ganoon na lamang kasaya ang kaniyang mga magulang na nagsikap upang mapagtapos siya ng pag-aaral.


Source: PEP.ph

No comments:

Post a Comment