Ngayong holiday season, tiyak na marami sa mga tao ngayon ang sarap na sarap sa laksa-laksang pagkain na nakahapag sa lamesa.
Paniguradong marami ang todo sa paglantak ng mga masasarap na putahe dahil ika nga nila, minsan lang sa isang taon sumapit ang nochebuena at medianoche.
Gayunpaman, dapat na maging maingat at maghinay-hinay sa pagkain dahil ayon sa mga eksperto, bagama't kaunti lamang ang posibilidad, maaaring sumabog o mapunit ang tiyan sa labis na kabusugan.
Sa pagbabahagi ni Kuya Kim Atienza sa segment na "Kuya Kim Ano Na?" sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, nabanggit na mula 1.5 hanggang tatlong litro ng pagkain ang kaya ng tiyan. Kapag umabot sa limang litro ang laman ng tiyan, maaari na itong mapunit o sumabog.
Kaya naman, payo ng mga nutritionist at dietician, mas mainam kung babagalan ang pagkain. Mas nakabubuti rin kung ibaba ang kutsara at tinidor pagkatapos sumubo at nguyain ang pagkain ng hanggang 20 segundo bago sumubo ulit.
Dagdag nila, pagkatapos kumain mas mabuti rin na magpalipas ng tatlong oras bago matulog.
Source: GMA News
No comments:
Post a Comment