CHECK THIS OUT:

Search

Awra Briguela, proud na napagtapos ang ama sa kolehiyo nang dahil sa pag-aartista


Dahil sa kaniyang pagsusumikap sa industriya ng showbiz, hindi na kaduda-duda kung bakit napakarami nang nakamit ng komedyanteng si Awra Briguela sa kabila ng murang edad.


Ngunit sa dami ng kaniyang mga naabot dahil sa pagiging artista, ang isa sa mga pinakapinagmamalaki niya ay ang pagpapa-aral sa kaniyang ama na si Oneal Briguela sa kolehiyo.


Sa Youtube video ni Karen Davila noong December 4, 2021, naikwento ni Awra ang tungkol sa pagpapa-aral sa kaniyang ama.


Napagtapos niya ito sa kolehiyo noong April 2019 at base sa Instagram post ni Awra, dumali rin siya sa graduation ceremony ng kaniyang ama.


Caption noon ni Awra: “Congrats papa! So proud of you!! Sabi nga nila its better than late, than never.”


“Kaming lahat nang anak mo sobrang saludo sayo! Kase pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag aaral! I love you papa!! Congrats ulet!”


Ayon kay Awra, siya ang sumama sa kaniyang ama sa pag-akyat sa entablado uupang kunin ang diploma nito. Nag-uumapaw siya sa kaligayahan ng mga panahong iyon dahil sa wakas ay naabot din ng kaniyang ama ang pangarap niyang makapagtapos sa pag-aaral.


“Yung touching, ako po yung isa sa umakyat sa stage para bigyan siya ng diploma. Andoon po ako nang bigyan siya ng diploma.


“Siyempre, nakita ko po noon kung gaano siya kadesidido na bumalik ulit sa pag-aaral.


“Proud na proud po kaming umakyat siya ng stage and nakuha na po niya yung gusto niya talaga.”


Unang sumikat noon si Awra sa social media dahil sa panggagaya niya kay Sarah Geronimo at Sarah Lahbati. Nagpatuloy ang kaniyang karera sa showbiz nang maging bahagi siya ng programang "FPJ's Ang Probinsyano" at ng ilan pang pelikula na pinagbidahan ng komedyanteng si Vice Ganda.


Source: Pep.ph


No comments:

Post a Comment