Marami sa atin ang pinoproblema ang kanilang sulat-kamay. Dahil kasi sa kanilang mga tagilid na linya, baku-bako at dikit-dikit na letra ay hindi na maintindihan ng bumabasa ang kanilang nais iparating. Kaya naman, mas pinipili ngayon ng mga tao na mag-type na lamang sa computer kung saan maaring maging perpekto ang bawat letra at mas madaling basahin ang mga salita.
Pero ang isang estudyante na ito mula sa Nepal ay hindi na kailangan pang mag-type sa isang computer dahil nabiyayaan siya ng napakagandang sulat-kamay na itinuturing pa nga ngayong "most beautiful handwriting" sa buong mundo.
Naging viral sa social media ang sulat-kamay ng 14-anyos na si Sainik Awasiya Mahavidyalaya nang kunan ito ng larawan ng isa sa mga nakakikilala sa kaniya.
Agad na pinag-usapan ng netizens ang kaniyang sulat-kamay na tahid-tahid at mukhang isang font sa computer. Ang mga espasyo sa bawat letra ay pare-preho ang sukat kaya naman nagmumukha na itong isa calligraph.
Maging ang mga eksperto ay napansin ang kakayahan ni Sainik at ayon sa kanila parang bang "perfect writing" ang sulat-kumay ng bata. Binigyan din siya ng papuri ng Nepali Armed Forces dahil sa pagtataglay ng napakagandang sulat-kamay.
No comments:
Post a Comment