Pero, bago nabili ang laptop, kinailangan munang magbanat ng buto ng kaniyang 25-anyos na asawa na si Shahrul Amri sa tatlo niyang trabaho.
Mula noong December 2020 ay iniipon na si Shahrul ang kaniyang mga kinikita sa pagiging isang biomedical technician, food delivery man, at mula sa kaniyang online business.
Naisipan niya raw na regaluhan ng laptop ang kaniyang asawa dahil nakikihiram lamang ito sa kanilang paaralan upang matapos ang kaniyang mga trabaho.
“Even though she never complained or begged, I felt bad having to watch her go through the inconvenience of borrowing laptops from the school to finish her work,” saad niya.
Bagama't second hand laptop lamang ang nakayanan ni Shahrul, labis pa rin ang pasasalamat ng kaniyang asawa dahil sa pagpupursigi nito maibigay lamang ang kaniyang pangangailangan.
No comments:
Post a Comment