CHECK THIS OUT:

Search

Food delivery cyclist, naiyak nang manakawan ng bisikleta habang kumukuha ng order

Napaupo nalang at naiyak ang isang food delivery cyclist matapos nakawin ang kaniyang pinakaiingatan bisikleta habang siya ay kumukuha ng order ng kaniyang customer.


Sa halos isang minutong viral video clip na ini-upload ni Raymond Bartolome sa social media, makikita ang Food Panda rider na nakaupo sa gilid ng kalsada habang umiiyak.


“Nakakaawa naman si kuya Food Panda cyclist. Ninakawan ng bike, habang nagkuha siya ng order sa Central Mall Olivarez, Biñan,” caption ni Bartolome.


Sa video makikitang nilapitan at dinamayan ng mga iba pang food delivery riders ang biktima.


“Hindi naman ako nangloloko ng tao, hindi ako nang-aagrabyado ng tao, ba’t sa akin pa? Ba’t ako pa?” saad nito sa labis na inis at pagkalungkot.


Sa comment section ng post ni Bartolome ay nabanggit na nag-ambagan naman ang iba pang mga rider upang mabilhan ng bagong bike ang Food Panda cyclist.


“Nagtulong-tulong na kami mabili lang siya ng bagong bike,”sabi ni Bartolome.

No comments:

Post a Comment