Mabuti na lamang at mayroon silang lolo na handang sumama sa kanila at magbigay lilim upang kahit papaano ay maging komportable sila sa kanilang pag-aaral.
Sa isang viral post ng gurong si Jorge Tejada, naibahagi niya ang kaniyang pagkamangha kay Lolo Arnulfo na matiyagang ginagabayan ang kaniyang mga apo sa kanilang pagsagot ng mga module.
Ayon kay Teacher Jorge, akala niya noong una ay ihahatid lamang ng matanda ang kaniyang mga apo ngunit nagulat ito nang maglabas itong ng payong upang bigyan ng lilim ang mga ito habang nag-aaral.
Kwento raw ni Lolo Arnulfo, pinipili niyang samahan ang kaniyang mga apo sa halip na magpahinga sa kanilang tahanan dahil delikado ang pag-akyat at pag-baba sa bundok. Dahil madalas ay tirik na tirik din ang araw, nagdadala na rin daw siya ng payong upang protektahan ang kaniyang mga apo sa labis na init.
Dahil sa dedikasyon at pagmamahal ni Lolo Arnulfo, hindi lamang si Teacher Jorge ang kaniyang napabilib kung hindi maging ang laksa-laksang netizens.
Para sa karamihan, si Lolo Arnulfo ay isang dakilang miyembro ng kanilang pamilya dahil sa kabila ng kaniyang edad ay patuloy pa rin siya sa pag-aaruga at pag-aasikaso sa kaniyang mga mahal sa buhay.
No comments:
Post a Comment