Itinuturing ngayong pangunahing suspek sa pagpatay sa dalawang magkapatid mula sa Cotabato ang adopted daughter ng pamilya na menor de edad pa lamang.
Ayon sa ulat, Disyembre 10 nang paslangin si Crizzle Gwynn, 18, at kapatid na lalaki sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Bagontapay dakong alas dos ng tanghali.
Balot sa dugo ang mga biktima at nagtamo rin ng mga hiwa ang kanilang katawan.
Nang mangyari ang krimen, kasama din ng magkapatid ang adopted daughter ng kanilang pamilya na si Janice na siya namang nakaligtas.
Base sa salaysay ni Janice, tatlong lalaki raw ang pumasok sa kanilang tahanan upang magnakaw. Nakatakas daw ito at nakapagtago sa kwarto kaya nakaligtas.
Gayunpaman, naging pangunahing suspek ang ampon na si Janice dahil sa kaniyang mga kakaibang kilos.
Dakong alas tres ng hapon nang humingi ng tulong si Janice sa pamamagitan ng social media gayong alas dos ng hapon naman nangyari ang krimen ayon sa awtoridad.
Labis ding ipinagtataka ay kung paano pa nito nakuhang maligo habang ang mga biktima ay nakahandusay sa kanilang bahay at duguan.
Dahil dito, dinala na muna si Janice sa pasilidad ng Department of Social Welfare and Development dahil siya ay menor de edad.
No comments:
Post a Comment