CHECK THIS OUT:

Search

Sanggol sa South Cotabato, pinagkakaguluhan dahil sa kadikit nitong kakambal

 


Isang bagong silang na sanggol mula sa T'Boli South Cotabato ang pinagkakaguluhan ng kanilang mga kabaryo dahil sa nakadikit nitong kakambal na hindi nabuo.


Sa tiyan na bahagi ng sanggol na si Rickyboy makikita ang dalawang binti, kamay, at ari  ng kakambal niya na hindi nabuo.


Ayon sa ina nitong si Angie, wala naman daw itong naging problema habang siya ay nagbubuntis. Nasa lahi rin daw nila ang pagkakaroon ng anak na kambal ngunit hindi niya akalain na ganoon ang magiging itsura ng  iluluwal niyang sanggol.


Dahil sa kakaibang kondisyon ni baby Rickyboy, marami ang dumarayo sa kanilang tahanan para lang siya ay masilayan. Ayon pa nga sa ama nito, 5 hanggang 10 katao ang bumibisita sa sanggol kada araw dahil sa paniniwalang may kadikit din itong swerte.


Base sa pagsusuri ng doktor, ang nakadikit sa tyan ni baby Rickyboy ay ang kaniyang parasitic twin. Maaari itong alisin sa pamamagitan ng operasyon ngunit malaking ang gagastusin para rito.


Hiling ngayon ng kaniyang mga magulang, sana ay mayroon magmaganda loob na tumulong sa kanila para sa pagpapaopera sa sanggol.


"Humihingi ako ng tulong sa mga tao para mapaopera ko ang anak ko. Kasi alam ko ang sitwasyon namin na wala talaga kkaming mapagkukunan," pakiusap ni Angie.


Para sa mga nais tumulong, maaaring magdeposito sa:


BDO

General Santos- Pioneer

Savings Account


ACCOUNT NAME: Ricky Langkida

ACCOUNT NUMBER: 003270259586

No comments:

Post a Comment