Marami ngayon ang sumasaludo sa delivery rider dahil sa kaniyang pagtitiyaga at pagsusumikap sa paghahanap-buhay sa kabila ng kaniyang kapansanan.
Ayon sa uploader na si Avril, nagpa-deliver siya ng pagkain noong makilala niya ang isang matandang rider.
Nagulat at namangha raw siya rito dahil bukod sa may katandaan na ito, ay mayroon din itong kapansanan.
Putol ang kanang binti ng rider at gumagamit lang ito ng prosthetic na bakal. Dahil dito, hirap siyang tumayo at maglakad.
“Kung mapapansin niyo po bakal ang kanang side ng paa ni Tatay. Kaya hirap siya tumayo at kahit mabigat po pinadeliver ko na dimsum di po siya nag-cancel. Di ko din po kasi expected na ganun po kalagayan ni Tatay. Basta Tatay salute ako sa’yo,” saad ni Avril.
Gaya niya, maraming tao rin ang humanga sa rider dahil sa halip na magpahinga ay patuloy pa rin itong nakikipagsapalaran sa kalsada kumita lamang.
Sambit pa nga ng alin, napakswerte ng pamilya ng rider dahil hindi nito ginawang rason ang kaniyang kapansanan upang talikuran ang kaniyang obligasyon.
“Yan ang mabuting Tatay, madiskarte, masipag, matiisin. Saludo ako sa inyo Tatay, magandang halimbawa ka sa iba.”
No comments:
Post a Comment