CHECK THIS OUT:

Search

Proud lolo na binibidyuhan ang apo gamit ang lumang cellphone, umantig sa puso ng netizens

 


Halos matunaw ang puso ng netizens sa larawan ng isang matanda na proud na proud na kinukunan ng video ang kaniyang apong babae na sumasayaw sa isang school program.


Ang larawan ng naturang lolo ay ibinahagi ng SMS Senior High Page noon pang 2019.


"Maybe the best photo you'll see today," caption nito.


Ang pinakakinatutuwa kasi ng mga netizens ay ang gamit na gadget ng matanda sa pag-video sa kaniyang apo; isang de-keypad na telepono na mayroong VGA camera.


Marami ang nakaalala sa kanilang mga lolo na todo suporta rin sa kanila lalo na noong sila ay bata pa kahit sa isang simpleng paraan lamang.


"I miss my grandpa... So sad all of my grandfathers that I know are dead already," sabi ng isang netizen.


May ilan din na nakaalala sa kanilang mga ama na madalas ding kumukuha ng kanilang larawan gamit ang kanilang lumang telepono.


"...naalala mo ung cp ni papa? pinipicturan nya pa si yassi nun. naiyak nnaman ako miss ko nnaman si papa."


Marahil, sa laksa-laksang larawan na makikita mo ngayon sa social media, ang larawan nga siguro ng matanda ang pinakamagandang litrato na makikita ng lahat ngayon. 


Hindi lamang kasi ito basta litrato, kung hindi simbolo ng mainit na pagmamahal ng bawat ama at lolo sa mundo.


No comments:

Post a Comment