CHECK THIS OUT:

Search

Netizens, binalikan ang mapait na alaala ni Jennilyn Mercado sa kamay ng kaniyang ama


"Ultimate Survivor"


Ganyang kung ilarawan ng publiko, lalong-lalo na ng kaniyang mga tagahanga ang aktres na si Jennilyn Mercado dahil sa mapait niyang karanasan sa kamay ng kaniyang stepfather.


Sa Facebook fan page ni Jennilyn, ibinahagi ang larawan ng isang bata na mayroong blackeye sa parehong mata.


"Her past made her stronger, kinder, and wiser. Jennylyn is the kid in the picture.

She is truly the ULTIMATE SURVIVOR," sabi sa caption ng larawan.


Marami naman ang sumang-ayon at nagsabing talaga nga namang survivor hindi lamang sa showbiz kung hindi maging sa totoong buhay ang aktres.


Sa programang "Starstruck" noong 2014, naibahagi ni Jennilyn na madalas siyang bugbugin ng kaniyang amain sa kabila ng kaniyang murang edad. Mabuti na lamang at iniligtas siya ng kaniyang tiyahin at adoptive mother na si mommy Lydia.


“’Yong likod ko pinaplantsa tapos pinapaso ako ng cigarette.


“Kapag pinaso na niya ako ng cigarette. ‘Di ba lolobo siya? Pipisain niya ‘yon. Gusto talaga niya ng nakakasakit.


“Dumating na sa point na sa sobrang kakabugb0g sa akin hindi na ako makabangon sa bed. ‘Yong tipong black and blue na talaga.


“Tapos makikita nila iba na ‘yong itsura ko kasi maga. ‘Yong nakalabas ng gano’n ‘yong mata ko tapos ang laki ng ulo ko. Kasi siguro sa sobrang kakabugb0g sa akin,” kwento ni Jennylyn.


Sa ngayon, maayos at maganda na ang buhay ng aktres. Mayroon na itong anak at kasalukuyang buntis sa magiging baby nila ng asawang si Dennis Trillo.


Sa sakit na dinanas ni Jenniylyn, tunay nga na siya ay deserving sa saya at tagumpay na kaniyang natatamasa ngayon.


No comments:

Post a Comment