CHECK THIS OUT:

Search

Apat na magkakapatid, nakapagtapos dahil sa amang jeepney driver

 


Lubos ang pagpupugay at pasasalamat ng apat na magkakapatid sa kanilang ama na ibinuhos ang dugo at pawis sa pamamasada ng jeep makapagtapos lang sila ng pag-aaral.


Sa programang "On Record" ng GMA ibinahagi nina Jomarcel, 28, Special Education teacher; JC Bell, 26, logistics division chief sa Philippine Coast Guard; Cyryl, 25, administrative personnel sa Philippine Air Force; Joyce, 22, kitchen staff member ang paghihirap na dinanas ng kanilang amang si Mang Celso Torres.


Ayon sa kanila, nabili ng kanilang ama ang kaniyang jeep noong 1997. Mula noon, ito na ang naging pangunahing pinagkakakitaan ng kanilang pamilya.


Bagama't elementary school teacher ang kanilang ina na si Aling Jocelyn, hindi pa rin naging madali ang buhay para sa pamilya Torres.


Sa katunayan, kahit na may sakit, patuloy pa rin sa pagmamaneho si Mang Celso matustusan lang ang pang-matrikula at allowance ng kaniyang apat na anak.


“Puro hirap lang po yung naranasan niya, wala pong sarap ng buhay," naiiyak na sabi ni Joyce.


Bawat pawis naman ni Mang Celso ang naging sulit dahil nakapagtapos lahat ng kolehiyo ang apat na magkakapatid.


Iyong nga lang, wala na siya upang ipagdiwang ang diploma ng kaniyang mga anak dahil pumanaw siya noong taong 2014.


Gayunpaman, hindi nalilimutan nina Jomarcel, JC Bells, Cyryl, at Joyce ang sakripisyo ng kaniyang yumaong ama.

No comments:

Post a Comment