CHECK THIS OUT:

Search

Mag-asawang online seller, 1 buwan ng nawawala

 


Patuloy pa rin ngayong pinaghahanap ng pulisya at ng kanilang mga kaanak ang mag-asawang online seller na bigla na lamang nawala, isang buwan na ang nakararaan.


Ayon sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes (November 2), umalis sa kanilang bahay sa Taguig noong October 5 ang mag-asawang Noel at Jacky Mercado para kitain umano ang ilan sa kanilang mga kanegosyo sa Muntinlupa.


Sa kuha ng CCTV sa harapan ng isang commercial complex sa Poblacion, Muntinlupa, mapapansin na  bumaba ng kotse si Noel at nakipag-usap sa isang babae na pula ang pang-itaas.


Makikita rin ang naturang babae na tinitingnan ang laman ng sasakyan ng mag-asawa.


Sa isa pang CCTV footage, kapansin-pansin ang pagbilis ng andar ng sasakyan nila Jacky at Noel. Kahina-hinala rin ang asul na kotse na tila ba nakabuntot sa kanila.


Ayon sa mga kaanak ng mag-asawa na nakapanood sa kuha ng mga CCTV, si Noel pa rin ang nagmamaneho sa kanilang sasakyan ngunit ang nakapagtataka ay mayroon pang ibang tao na nakasakay sa likod ng kanilang kotse.


 Dagdag nila, ni minsan ay hindi nasangkot sa ilegal na gawain ang mag-asawa.


Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng pulisya upang matunton ang dalawa.

No comments:

Post a Comment