CHECK THIS OUT:

Search

Dapat na rin bang ibaon sa lupa ang utang ng taong namatay?

 


Kapag nangutang ang isang tao, obligasyon niyang bayaran ito ng tama at ayon sa itinakdang petsa ng kaniyang pinagkauutangan. Ngunit paano kung ang nangutang ay biglang sumakabilang buhay? Dapat na rin ba itong ibaon sa lupa or maaari pa itong ipamana sa naiwang kaanak ng nangutang?


Sa pagpapaliwanag ni Atty. Gabby Concepcion sa "Kapuso Sa Batas" segment ng GMA's "Unang Hirit," may ilang mga sitwasyon na kapag namayapa ang isang tao, maaaring maipamana ang kaniyang mga naiwang utang.


Kaya naman, gaya ng mga pamana, dapat ay pinag-uusapan din ng mga pamilya ng namatay kung paano paghahati-hatian ang kaniyang naiwang obligasyon sa pagbabayad ng utang.


Kung may binabayarang bahay o iba pang ari-arian ang yumao sa isang ahensya o mga bangko, maaaring ipasa ang pagbabayad sa mga naiwang kaanak.


"Pero may nakakausap din whether Pag-Ibig or the bank usually makakausap muna ito kung puwede bang bayaran. Kung may pera 'yung mga magmamana ay puwede na nilang bayaraan na nang husto ang utang, or sila ang mag-undertake at dapat i-continue ang pagbayad ng utang," ayon kay Atty. Gabby.


"Kung hindi nila kayang bayaran at wala ding sapat na pera na iniwan ang namatay na pera para punuan ang utang na 'to, usually ibebenta na ang bahay para bayaran ang utang," patuloy niya.


Gayunpaman, kung tao lamang ang pinagkakautangan ng mga pumanaw, karaniwang nababaon na rin sa limot ang mga utang lalo na kung ang mga naiwang pamilya ay wala namang sapat na pera at ari-arian upang magbayad.


"Ang mga utang ay hindi namamana personally ng naiwang pamilya, pero kailangang bayaran ang mga ito gamit 'yung property na naiwan ng namatay," ani Atty. Gabby.


"Pero pagka may utang na naiwan, pero hindi naman sapat ang pera at property na naiwan, ay wala namang magagawa. Hindi naman hahabulin 'yung personal property ng mga naiwan na mahal sa buhay," dagdag niya.


Sa ganitong sitwasyon, walang magagawa ang nagpautang kung hindi kalimutan nalang ang kaniyang mga pinautang sa taong pumanaw.

No comments:

Post a Comment