Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing nahuling ang suspek na si Modesto Bartolome Jr. matapos magsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at National Bureau of Investigation (NBI).
Isinagawa ng mga awtoridad ang operasyon matapos nilang mapag-alaman na may nagaganap na bentahan ng slot sa pag-renew ng mga pasaporte gayong pahirapan ang pagkuha ng slot para makapag-schedule ng passport renewal sa Department of Foreign Affairs.
Nasamsam ng ARTA at NBI ang marakadong pera na ginamit sa operasyon at bagong isyu na passport mula kay Bartolome.
Gayunpaman, itinanggi ng suspek ang mga paratang sa kaniya at sinabing handa niyang sagutin ang lahat ng mga ipinupukol sa kaniyang paglabag sa batas.
Source: GMA News
No comments:
Post a Comment