CHECK THIS OUT:

Search

Estudyante, patay matapos balikan ang laptop mula sa nasusunog na bahay

Patay ang isang graduating student matapos sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Barangay San Agustin, Novaliches, Quezon City, nitong Martes (Nov. 2).


Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nasawing estudyante bilang si Melanie Trinidad, 21-anyos.


Ayon sa lola ng biktima na si Luzviminda Trinidad, 47, na-trap si Melanie sa nasusunong nilang bahay matapos niyang balikan ang kaniyang laptop na ginagamit niya sa kaniyang pag-aaral.


Si Melanie ay estudyante sa Polytechnic University of the Philippines at miyembro ng PUP-COC ENSEMBLE, ang opisyal na choral group ng College of Communication.


Samantala, kasalukuyan pang nagpapagaling si Lola Luzviminda at ang dalawa pa nilang kaanak mula sa natamong second-degree burns.


Source: Manila Bulletin


No comments:

Post a Comment