CHECK THIS OUT:

Search

Super Teklah, napagkamalang shoplifter sa isang tindahan sa Quezon City

"Napahiya ako."


Ito ang naramdaman ng stand-up comedian na si Super Teklah matapos siyang pagbintangan umanong magnanakaw ng isang sales lady sa napuntahan niyang tindahan sa Quezon City.


Sa Facebook post ni Teklah kahapon, naikwento niya na hinarangan daw siya ng isang nagtatrabaho sa convenient store at saka sinabing may kinuha raw itong item na hindi niya binayaran.


"Mistaken identity 711 E ROAD BRANCH I BUY SOMETHING HINARANG AKO NG SALE'S LADY AFTER KO MABAYARAN YUNG BINILI KO  MAY KINUHA DAW AKUNG ITEM SABI KO ARE YOU SURE ATE  NAPAHIYA AKO DAMING TAO SABI NYA KAPKAPAN DAW DAW AKO THEN SABI GO AHEAD WALANG NAKITA SA AKIN PINA CHECK KO ANG RESIBO KO KUMPLETO BAYAD AT YUNG BINILI KO," sabi ni Teklah.


"BINABA KO YUNG MASK KO NA RECOGNIZE NYA AKO SI TEKLAH ATE KINAPKAPAN AT BINAGBINTANGAN MO AKO ATE TAPOS NGAYON IIYAK KA AT NAGSOSORY DAHIL NAGKAMALI KA GANUN LNG KADALI YUN SABI KO SA KANYA," dagdag niya.


Bagama't nagalit ang komedyante sa pagbibintang at kahihiyan na natanggap niya sa nangyari, pinili pa rin umano ni Teklah na patawarin ang saleslady.


Ang mahalagang aral lamang daw sa kaniyang naging karanasan ay huwag maging mapanghusga base sa itsura ng isang tao.


Hindi na isinumbong ni Teklah ang naturang saleslady sa management ng convenience store dahil inaalala niya na baka mawalan pa ito ng trabaho.


"AYUN ABOT LANGIT PASALAMAT NI ATE INISIP KO RIN MARAMING UMAASA SA KANYA MAS MAINAM ANG MAGPATAWAD AT UNAWA MINSAN SA SITWASYON SHARE KO LNG SA INYO KAKATAWA PERO SAD REALITY."

No comments:

Post a Comment